May 20, 2004
isang nakakainis na biyahe
nakakainis kanina.
i didn't get to go on my skating lesson in megamall. sigh. paglabas ko ng bahay kanina, di naman umuulan. kaya naisip ko na hindi naman uulan. sumakay ako ng dyip ng walang kamalay-malay na uulan. at nung nasa cubao na ko, umulan! ng malakas. hindi lang yon. sobrang trapik pa. (lagi naman eh...) maglalakad pa ko sa mrt station. ng walang dalang payong. kaya ang saya saya ng aking paglalakad. nabasa ako at...nabasa ako. kaya pagdating ko sa station, i was freaking wet. pero ok lang. matutuyo din naman ako. pero nung pumila ako para bumili ng tiket, napansin kong di naman gumagalaw yung linya. nakapagtataka. tapos may nagsabing wala daw biyahe ang mrt ngayon. mas lalong nakapagtataka. at nakakainis. dahil maleleyt na ko sa lesson ko. tapos may nagtanong kung bakit wala ang mrt. sabi nung tao dun dahil daw may nakaharang na streamer sa daanan ng mrt sa may kamuning. kaya hindi makaandar. great. tapos matatagalan pa daw. ang saya saya diba? pagkatapos ko gumastos ng 8 pesos sa pamasahe, at maglakad sa ulan, hindi pa ako makapunta sa megamall. peste. kaya tinamad na ko maghintay at nagwindow shopping nalang sa 'mall' sa may station. tapos umuwi na ko. tapos ang kwento.
pero kanina yun. ok na ko ngayon. mas magiging ok ako kung lumalabas ang mga usericons(yung pic na nasa tabi dapat ng date and title)ko. ewan ko ba, nagloloko. andaming sira nitong site ko ah...kahapon naman ayos ang usericons. sa inyo ba lumalabas ???

Posted by purplehaven on May 20, 2004 at 08:28 PM | look in the eyes