we won! we won! we won!
yippee!
sabi na nga ba eh ^_^

division meet. i arrived at school at about 7:05 ... buti nalang at nakita ko si ma.jo (ang aking ka-double sa table tennis) at kinuha namin yung varsity(naks!) uniform ko (manipis na t-shirt na may marisci at tatlong line sa taas ng school name na akala ng lahat ay 3 at yun pala e adidas daw). pumila kami para sa parade...(may parade ng varsity players from diff schools)... at naghintay. 10 yrs lang naman bago ito nagsimula. medyo malayo din ang nalakad namin (kaya ayoko ng mga parade) . tapos nagtungo na kami sa sports center. syempre me mga introduction ekek na ewan ko ba kung me nakikinig. umuulan pa, (nandun kasi kami sa field) kaya grrr talaga. sa wakas natapos na rin ang pagdurusa (hehe).

pagdating namin sa laruan ng table tennis, me mga matatandang naglalaro. hanep, ang galing nila! yung isa e lolong lolo na talaga ang itsura, pero kung kumilos, e sus! malupet! hanep magdrive! saludo talaga ako. sana nga pagtumanda ako ganun din ako (haha asa...) At kung me magagaling na lolo, meron din siyempreng magagaling na bata. lupet rin. buti pa sila, at such a young age, ganon na kagaling.

nagpractice lang kami buong umaga, tapos naglunch kami school. pagkatapos e ang moment of truth...ang mga laban. halos lahat naman e nanalo sa team namin, ang galing nga eh. kinakabahan talaga kami, buti nalang di ganon kagaling (hehe) ang kalaban(mariprisaa) namin. panalo naman kami 3-1. ansaya saya. haaay. sa wakas, tapos na ang unang pagsubok.

bukas ulit.
Posted by purplehaven on December 6, 2004 at 09:29 PM | look in the eyes
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.