ubos na net card ko this past few days kaya di ako nakapagpost >_< kaya ngyon net card ng kuya ko ginagamit ko.

alam ko late na at lahat ng tao alam na na si fantasia barrino ang nagwagi sa AI. hehe ... siya ang ineexpect kong manalo, sa totoo lang ^_^ magaling talaga ang top 2 ... mas nakakamove nga lang kumanta si fantasia.

haaaay salamat last day na ng journalism class ko ngayon. pero di parin namin tapos yung newspaper. anyway, nagcelebrate kami kanina. kumain kami (ako, yung mga kaklase ko at 4 teacher) sa mcdo. yum. pero mas masarap pa rin burger ng jollibee. ü tapos non pumunta kami (mga kaklase ko) sa alimall at sm shoemart para maghanap ng farewell gift sa aming teacher. purple na pillow na maraming stars ang aming napili. ang ganda. bibili sana ako para sa sarili ko ... kung me pera lang ako.

bumalik na ang aso ng kapatid ko. nadala kasi siya sa vet. langya, ang mahal ng bayad. at ngayon, madumi nanaman ang labas namin dahil sa tae nya. di kasi trained. gusto ko nga itrain eh...kaya naghahanap ako sa net kung pano. kung merong me alam dyan, suggestions naman o ...

salamat. !
Posted by purplehaven on May 28, 2004 at 09:27 PM | look in the eyes
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.