wow, ang tagal ko nang hindi nakakapagsulat ah. buhay pa naman ako. wala naman masyadong nangyari ngayon.

sa laban o bawi kanina:

host: anong "p" ang tagalog ng umbilical cord?
contestant: piano

host: saan ginanap ang ms universe(ngayong taon)? may a, e at u ito. (di ako sure sa mga letra ...)
contestant: australia?
*mali*
other contestant: australia (iba lang ang pronouncation ... australia hindi austrelia)
*mali nga eh, kulit!*
(ecuador ang sagot)

hehe. pero sa "bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino" ni bob ong, mas nakakatawa ang mga sagot:

host: ilan ang legs ng cartoon character na si Spiderman?
contestant: eight

host: para saan ang anti-dandruff shampoo?
contestant: kuto

host: ang urine ay liquid. true or false?
contestant: false

marami pa yan. bilhin nyo ung book, highly recommended.

maganda na sana ang laban o bawi, may mga babae lang na nagsasayaw na mukhang ewan. nakakairita. nakakainiis. nakakaturn-off. alisin na sana ang mga ganun.
Posted by purplehaven on June 4, 2004 at 10:25 PM | look in the eyes
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.