from ~shinomori_misao08

01.Nagluluto ka ba ng Pansit Canton?
= oo naman. dami kami nyan sa bahay, paborito kasi ng kapatid ko.

02.Umuulan?
= hinde. . .

03.FX
= ano?

04. sumasakay ka ng tricycle?
= oo...every schoolday. tamad akong maglakad eh.

05. nakikita mo si Spongebob?
= oo, sa tv.

06. Nasa public transportation ka?
= nasa bahay ako. me nagbablog ba sa public transportation?

07.Kumakain ka ng ice cream?
= oo. yum.

08. eh kapag pulburon?
= oo rin. sarap.

09. Nakakakita ka ng Star?
= oo, pag ako'y nabubunggo. (korni)

10. nakakita ka ng Sunset?
= oo, pero matagal=tagal na rin yon..

12. Nakahawak ka ng bola?
= bola ng table tennis. bola ng tao? di pa.

13.May basagan ng palayok
= oookaaay...share mo naman makukuha mo...

14.Nakakita ka ng gulay?
= oo. hanggang tingin lang ako. di ko na kayang kainin.

15. nakainom ka ng yakult?
= ako pa. fave ko yan noon.

16. nakasakay ka sa kotse?
= ngayon? hindi no!

17.nakakakita ka ng kumot?
= yep...masarap magtago dito pag gabi.

18.nakakakita ka ng mag=syota?
= me lugar pa ba na walang magsyota?

19.nakakarinig/tumutugtog ng gitara?
= nakakarinig ako ng tugtog ng gitara...wish ko lang ako yung tumutugtog

20.Naglalaro ka ng game sa cellphone?
= haha. ako pa.

21.Nakikinig ka ng music?
= oo...

22.Nasa Damuhan ka?
= walang damo sa bahay

23.Nasa gitna ka ng basketball court?
= kulit mo talaga. sabing nasa bahay nga eh!!!! (at hindi naman kami mayaman para magkaroon ng court sa bahay...at kung meron man e bat naman dun ilalagay ang pc???????????)

24. Nakakita ka ng hair Gel?
= oo. marami nun sa anime!

25. Nakabasa ka ng greeting card?
= oo....me naggi-greet naman saken ket papano.
Posted by purplehaven on December 7, 2004 at 09:48 PM | look in the eyes
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.